-- Advertisements --

Muling pinagtibay ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang full commitment nito sa pakikipagtulungan sa Japan International Cooperation Agency para sa pagpapalakas pa sa maritime security cooperative projects ng Pilipinas at Japan.

Sa gitna ito ng ginagawang holistic approach ng magkabilang panig sa pagdating sa pagtugon sa mga traditional at non-traditional security concerns para sa layuning pagkamit sa long-term economic development ng dalawang bansa.

Kasunod ito ng kamakailan lang na naging pagpupulong nina DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., at deligado ng JICA sa pangunguna ng Infrastructure Management Department, Director-General Tanaka Hiroo, kasama si Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, at iba pang mga opisyal ng Embahada ng Japan sa Pilipinas.

Layunin ng pagpupulong na ito matukoy ng gobyerno ng Japan kung paano pa ito makakatulong sa pagpapaunlad sa maritime domain awareness capabilities ng ating bansa sa gitna ng kasalukuyang mga security challenges sa rehiyon.

Kaugnay nito ay hinikayat din ni DND Sec. Teodoro ang delegasyon ng JICA na tulungan din na mapakalas ang maritime law enforcement agencies ng bansa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang relevant government agencies nito tulad ng Department of Transportation, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang mga Local Government Unit, gayundin ng mga Pilipinong mangingisda.

Kung maaalala, sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa bansa noong Nobyembre 2023 ay una nang nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Japan matapos na magbigay ng donasyon ang Japan sa ating bansa ng JP¥600 million na halaga ng coastal surveillance radars sa bansa.