-- Advertisements --
VP SARA DUTERTE

Pinagtibay pa ang commitment sa pagitan ng Pilipinas at Japan para palakasin ang bilateral relations at development cooperation kasunod ng pagpupulong sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Japanese lawmaker Koichi Haguida.

Ang pagpupulong sa pagitan ng dalawang opisyal ay nagbibigay din ng katiyakan sa pag-unlad ng pamayanan tungo sa paglago ng ekonomiya.

Siniguro din ni VP Sara sa Japan ang pakikipagtulungan para sa kapayapaan at kaunlaran sa ating bansa at sa rehiyon.

Inalala at pinasalamatan din ng ikalawang Pangulo ang Japan sa pagtulong sa kaniyang hometown noong ito pa ay alkalde ng Davao city,

Ibinahagi ni VP Sara na ang nagpapatuloy na bypass road project sa Davao city ay inaasahang makakatulong para mapalakas pa ang economic acrivities at ang development sa siyudad.

Malaking tulong aniya ito para ma-decongest ang problema sa trapiko sa urban areas ng Davao city.

Sa parte naman ng Japanese lawmaker, tiniyak ang economic support ng Japan sa Pilipinas lalo na sa Buil, build, build program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag din nito ang buong suporta ng Liberal Democratic Party ng Japan para pag-aralan ang pagpapatupad ng ODA (Official Development Projects) para makamit ang hangaring Build Better More plan na ipinanukala ni proposed President Marcos Build Build Build program.