-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang pagpapalabas ng mga 10 pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa MMDA na nitong Linggo o Enero 7 na sana ang last showing ng nasabing mga pelikula subalit binaha sila ng mga tawag at humihingi ng extension.

Dahil sa nasabing kahilingan ay nagpasya sila na palawigin ang pagpapalabas ng hanggang Enero 14.

Kanila ring tatanggapin ang complimentary pass ng hanggang Enero 14.

Uan rito ay naabot na ng MMFF ang P1 Bilyon na kita mula ng magsimulang ipalabas ito noong Disyembre 25.

Ito ang unang pagkakataon na makaabot ng P1-B na kita mula noong 2018 ng makaabot ng P1.061 bilyon.