-- Advertisements --


Sisimulan nang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout sa ilang milyong waitlisted family beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa isang virtual hearing, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na kanilang na-validate ang certification na ginawa ng lokal na pamahalaan sa mga benepisyaryong ito para matiyak na sila ay eligible sa SAP.

Sa second tranche ng SAP, kasama na sa papahatiran ng P5,000 hanggang P8,000 emergency cash subsidy ang nasa 5 million na waitlisted family beneficiaries.

Ang mga ito ay iyong mga napapabilang sa low-income families na hindi napasama sa P18 million beneficiaries na napahatiran ng ayudang pinansyal sa first tranche ng SAP.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, bukas, Hunyo 17, sisimulan ang distribution ng cash assistance sa second tranche ng SAP.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang pilot payout ng ayudang ito ay sisimulan sa Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR).