Kinalampag ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang DA at DOLE na bilisan ang paghatid ng financial assistance sa mga magsasaka at overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng COVID-19.
Base kasi aniya sa report na isinumite ng dalwang kagawaran sa Malacañang noong nakaraang linggo ay kakaunti lamang sa mga magsasaka at displaced OFWs ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Kapuna-puna aniya na hanggang noong nakaraang linggo ay 22 percent pa lamang mula sa 591,246 target beneficiaries ng DA ang nakakatanggap ng financial aid mula sa P3 billion na pondo.
Mula naman sa 135,720 displaced OFWs, kung saan 86,054 rito ang nag-apply para sa financial assistance, tanging 3,245 lamang ang naaprubahan para sa programa ng DOLE na may pondong P1.5 billion.