-- Advertisements --
dti1

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsuporta nito sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na nakapokus sa produksyon ng mga Halal products.

Ayon sa DTI, isinasapinal na ang pag-streamline sa proseso ng Halal Certification upang lalo pang mapabilis ang pag-apply dito ng mga MSMEs.

Ayon kay Aleem Siddiqui Guiapal, program manager ng Halal industry development, ang pagkakaroon ng mas mabilis na Halal certification ay tiyak na makakahikayat pa lalo sa mga negosyante na kumuha o mag-apply nito, daan upang maparami ang MSME’s sa nasabing industriya.

Binigyang diin din ng opisyal ang kahalagahan ng Halal Certification na siyang nagbibigay kumpyansa sa mga nananampalataya sa relihiyong Islam upang tangkilikin ang mga produkto.

Sa kasalukuyan, batay sa datus ng DTI, mayroon nang mahigit 1,800 na mga produkto ang mayroong Halal certification sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Habang ang mga konsyumer na bahagi ng panannampalatayang Islam ay tinatayang mula sampu hanggang 12 million Filipinos.

Una nang sinabi ng DTI na nais nitong maabot ang hanggang P230 billion na Industriya ng Halal pagsapit ng 2028.