Patuloy na gumagawa ng hakbang ang administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para mapababa ang insidente ng kahirapan sa bansa.
Sinabi ito ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng SWS September survey kung saan lumabas na halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila.
Ipinunto ni Balisacan na isinagawa ang survey matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo na nakaapekto sa presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.
Mas mataas anya ang food inflation noong Setyembre kumpara noong Hunyo dahil sa problema sa supply.
Pero binigyang diin ng kalihim na iba’t ibang istratehiya ang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagtugon sa kahirapan.
Desidido anya ang administrasyong Marcos na makamit ang target na maibaba sa 9 percent ang poverty incidence pagsapit ng 2028.