Ikinalungkot ni Speaker Martin Romualdez ang pagpanaw ng isa nilang kasamahan at kaibigan si Palawan 1st District Rep. Edgardo “Egay” Salvame.
Sinabi ni Romualdez malaking kawalan si Salvame sa Kamara, komunidad at sa bansa.
“I am deeply saddened to hear the news of the passing of our colleague and friend, Palawan 1st District Rep. Edgardo “Egay” Salvame. It is a personal loss for me and a huge loss for our community and the nation,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker si Cong Egay ay hindi lamang basta isang kasamahan kundi isang kaibigan at totoong tagapagtaguyod para sa palawan.
Pinuri ni Romualdez si Salvame sa kaniyang commitment,integridad at walang tigil na pagtatrabaho para sa kapakanan ng kaniyang mga constituents.
“Cong. Egay was far more than just a fellow lawmaker; he was a true advocate for Palawan, a devoted public servant whose compassion and dedication resonated deeply with those he represented,” dagdag pa ni Speaker.
Ang pagpanaw ni Salvame ay lumilikha ng malaking puwang sa Kongreso, ngunit higit pa rito, nag-iiwan ito ng malalim na pakiramdam ng pagkawala sa kanilang hanay.
Dagdag pa ng House leade na si Salvame ay hindi lamang isang kasamahan; siya ay isang pinagkakatiwalaang kasama at pinagmumulan ng inspirasyon, na nag-iiwan ng isang pamana ng paglilingkod.
“To Cong. Egay’s family, friends, and the people of Palawan, my heart reaches out to you. During this challenging time, I hope you find solace in the vast respect, admiration, and affection Cong. Egay garnered. His life was a testament to purpose and service, devoted to the betterment of others,” pahayag ni Speaker Romualdez.