Naniniwala si Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na ang pagpalit sa liderato ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang siyang tugon para maayos ang problemang kinakaharap hinggil sa isyu ng Philippine Identification System (PhilSys).
Sinabi ni Daza ang PSA ang siyang nagma-mange sa PhilSys ID project sa pangunguna na ngayon ay retired Assistant Secretary Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician ng PhilSys Registry Office.
Ayon sa mambabatas, ngayon na ang “golden opportunity” para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghanap ng tamang indibidwal na tututok sa naturang proyekto at irectify ang mga maling sistema sa nakalipas na apat na taon.
Batay sa COA report nuong 2021, nabatid na ang total actual deliveries ng pre-personalized cards by contractor, AllCard, ay nasa 27,356,750 piraso or 76% ng annual requirement.
Inihayag ni Daza, na nakakatanggap siya ng maraming reklamo mula sa ating mga kababayan dahil sa poor quality ng IDs.
Dagdag pa ng mambabatas na ang PSA ay attached agency ng NEDA at kasalukuyang pinamumunuan ni Undersecretary Dennis Mapa, PhD na siyang nagsisilbing National Statistician and Civil Registrar General.
Ang mga nasabing argumento ng mga mambabatas ay kinilala ni Rep. Stella Luz Quimbo na siyang sponsor sa budget ng NEDA.
Siniguro ng PAS na kanilang tutugunan ang mga naging isyu at problema partikular ang PhiSys ID.
Binigyang-diin ni Daza na layon ng PhilSys ID ay para maging mabilis ang transaction ng mga Filipino sa mga government agencies o private institutions.