ROXAS CITY – Pag-aalala sa mga atletang lalahok sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) meet 2020 dahil sa 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (nCoV ARD) ang pangunahing dahilan ng pagkansela ng gobernador ng Aklan ng taunang sporting event.

Ayon kay Dr. Miguel Mac Aposin, DepEd Aklan Division Superintendent na mismo si Governor Florencio ‘’Joeben’’ Miraflores ang nagdesisyon na ipagpaliban ang WVRAA meet 2020 na gaganapin sana sa kanilang lalawigan sa darating na Pebrero 15-22, 2020 sa pagkabahala sa nCoV ARD.

-- Advertisement --

Magpupulong rin ang mga opisyales ng DepEd sa Region 6 sa darating na BIyernes, kung saan tatalakayin ang tungkol sa pagkansela sa nasabing sporting event.

Nabatid na hindi gusto ni Governor Miraflores nga mahati sa dalawa ang kanyang atensyon, dahil prayoridad sa ngayon ng gobyerno ng Aklan ang pagbigay lunas sa mga Persons Under Investigation (PUIs) na nasa kanilang bayan.