-- Advertisements --

Inihayag ng Human Rights Watch na nakabase sa New York na dapat palayain ng mga awtoridad ng Pilipinas si Senador Leila de Lima mula sa pagkakakulong matapos na bawiin ng self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa ang kanyang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi rin ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na dapat ding ibasura ang umano’y gawa-gawang kaso laban sa senador.

Aniya, ang pagbawi ni Espinosa sa mga paratang laban kay de Lima ay dapat magwakas sa limang taong pagkaka-kulong ng senador.

Sa isang counter-affidavit na ini-subscribe sa harap ng Department of Justice (DOJ) noong Huwebes, itinanggi ni Espinosa ang kanyang mga sinumpaang salaysay sa pagdinig ng joint committee ng Senado sa pagpatay sa kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa, Sr.

Ayon sa kanya, siya ay “pinilit, tinakot at seryosong binantaan” ng pulisya na idawit si De Lima.

Para sa HRW, ang pagbabalik-tanaw ni Espinosa ay nagsiwalat na ang administrasyong Duterte ay minamanipula umano ang criminal justice system sa bansa laban sa isang senador na kritiko ng kontrobersyal na “drug war” nito.