Sinisikap ng Department of Agriculture na maging epektibo ang kanilang mga programa para mapataas ang produksyon ng baboy, ayon yan kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang produksyon ng baboy sa huling bahagi ng 2022 at unang bahagi ng 2023.
Gayunman, sinabi ni Sombilla na hindi naabot ang antas ng produksyon ng baboy noong tumama ang African Swine Fever. Kaya naman patuloy na gumagawa ng paraan ang ahensya upang mapababa ang presyo ng karneng baboy.
Aniya pa, sisiguraduhin nila ang matatag na supply at presyo ng karneng baboy sa oras na maabot ang naturang hog production.
Sa ngayon aminado ang ahensya na malabo pang makamit ang P240 hanggang P250 per kilo na presyo ng karneng baboy dahil sa kakapusan sa supply.