-- Advertisements --
Pinawi ni DICT Sec. Manny Caintic ang pangamba ng ilang grupo na magkakaroon ng banta sa seguridad ang inaasahang pagpasok ng mga dayuhang telco service providers.
Kasunod ito ng pagbibigay na ng pamahalaan ng go signal sa mga dayuhang mamumuhunan na makapaglagak ng capital sa Pilipinas, kasama na ang mga kumpanyang naghahatid ng iba’t-ibang serbisyo.
Ayon kay Caintic, saklaw pa rin naman ng ibang batas ang mga banyagang negosyante kaya marerendahan pa rin sila, alinsunod sa mga patakaran ng ating gobyerno.
Tiniyak pa ng kalihim na magkakaroon sila ng regular cyber security check sa mga ito.
Inaasahang magiging mas mura ang internet sa oras na dumami na ang investors sa ating bansa.