-- Advertisements --
Kinansela ng Space X ang pagpapalipad ng kanilang Starship rocket.
Ito ay matapos na hindi maayos ng mga eksperto ang nadiskubreng frozen valve.
Bilang pag-iingat ay minabuti na lamang ng kumpanya ng bilyonaryong si Elon Musk na kanselahin ang nasabing pagpapalipad.
Itinuturing na ito na ang tinaguriang “biggest at powerful” rockets ng Space X na mayroong hanggagn 75 meganewtons at mayroong 17 milyon pounds ng thrust.
Isasagawa sana ang test flight nito at matapos ay lalapag ang rockets sa Hawaii.
Maraming katao naman ang nadismaya dahil hindi nila nasaksihan ang launching ng rocket sa Texas.