Umaasa ang Philippine Anti-Red Tape Authority na tuluyan ng mapuksa ang kurapsyon sa paglunsad ng onilne central business.
Ito ay matapos na inilunsad ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang nasabing online online central business portal.
Ayon kay Anti-Red Tape Authority Director General Jeremiah Belgica na sa nasabing paraan ay tuluyan ng mababawasan ang mahabang proseso sa pagkuha ng mga business permit ng mga negosyante.
Mas makakahikayat aniya pa ito ng mga investors dahil hindi na sila mahihirapan pa sa paglakad ng kanilang mga dokumento.
Nauna rito kasama ni DICT Secretary Gringo Honasan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Security and Exchange Commission ay inilunsad ang online business portal.