-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga nagsusulong na ibaba na sa mas maluwag ang Metro Manila mula sa kasalukuyang GCQ patungo sa modified general community quarantine (MGCQ) na mahalagang pairalin ang siyensa.

Sinabi ngayon ng DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergiere, kailangang pag-aralang mabuti ng IATF ang maraming mga factors, kabilang na ang critical health care system o kung kakayanin ng mga ospital ang pagdami pa ng mga pasyente, Gayundin kung meron pang mga clustering of cases ng mga pasyente at iba pa.

Sa ngayon aniya medyo naibsan ang mga ospital mula sa dating punuan o nasa 80 porsyento, patungo ngayon sa 60 porsyento na lamang.

Ayon pa kay Usec Vergerie, kahit papaano ay nakakahinga ang health care system sa Metro Manila dahil sa epektibong nahaharap ang mga problema.

Gayunman, pinag-iingat ng DOH ang mga opisyal na meron pa rin silang nakikitang clusters ng mga COVID cases sa ilang mga lugar.