-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinisi ng Regional Inter-Agency Task Force ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Western Visayas sa kawalan ng koordinasyon sa local government units sa pagdating sa Iloilo ng Locally Stranded Individuals mula sa Metro Manila.

Ito ay matapos pinaghintay pa ng matagal ang nasa daan daang mga locally stranded individuals na dumating kaninang umaga dahil sa delayed na pagsundo ng local government units.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Roy Villa, tagapagsalita ng Regional Inter-Agency Task Force, sinabi nito na dapat tutukan ng DILG ang naturang problema lalo na at may umuuwing hindi locally stranded individual na hindi tinatanggap ng local government unit dahil sa isyu ng residency.

Ani Atty. Villa, dapat rin na sumunod ang mga umuuwing residente kung sila ay nasa kategoryang locally stranded individual o Balik Probinsya Program ng gobyerno.

Napag-alaman na kasabay ng Balik Probinsya program, lumubo rin ang kaso ng COVID-19.