-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na dinidiktahan o nagma-“micro manage” sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod sa direktiba ng Pangulo na ilipat si Chief Inspector Jovie Espenido mula Ozamiz City patungong Iloilo City Police Office kung nasaan ang sinasabing umano’y narco-politician.

Paliwanag ni Dela Rosa na ang nasabing direktiba ng pangulo kay Espinido ay hindi pangingialam sa proseso ng PNP.

Aniya, sadyang gigil lang si Digong na tuldukan na ang iligal na droga kaya pati ang assignment ni Espenido ay dinisesyunan nito.

Una ng sinabi ng PNP chief na kung siya ang masusunod, hindi niya aalisin sa Ozamiz si Espenido.