-- Advertisements --
Vhong Navarro

Magsisimula sa Pebrero sa susunod na taon ang paglilitis sa panggagahasa ng host at komedyante na si Ferdinand “Vhong” na gaganapin hanggang 2024.

Inakusahan si Navarro ng panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo noong buwan ng Jnaury taong 2014 sa loob ng kanyang condominium unit sa Taguig.

Nakalaya ang 45-anyos na si Vhong sa Taguig City Jail Male Dormitory noong Dec. 6 matapos magpiyansa ng P1 milyon na itinakda ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69.

Sa utos ng paglaya mula sa detensyon para kay Navarro na may petsang Dec. 6, itinakda ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ang mga petsa ng paglilitis sa panggagahasa, na tatagal ng 21 buwan o hanggang 2024.

-- Advertisement --

Iniutos ng hukom na ang pagtatanghal ng ebidensya ng prosekusyon ay gaganapin simula sa Feb.16 sa susunod na taon.

Liban nito, nakasaad sa utos ang 12 iba pang petsa mula March 9, 2023 hanggang April 11, 2024 kung saan ipapakita ng prosekusyon ang ebidensya nito o isang pagdinig sa bawat buwan. | Bombo Allaiza Eclarinal