Naglabas ngayon ang Supreme Court (SC) ng panibagong suspension of commitment orders para sa paglilipat ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa iba’t ibang jail facilities.
Sa circular order na pirmado ni Court Administrator Jose Midas Marquez, dahil pa rin umano iba’t ibang levels ng community quarantine dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, kaya kailangang suspendehin ang paglilipat ng mga PDLs.
Ito ay para sa mga bagong arestong PDLs na ililipat sana sa mga local Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) jail units.
Ang paglilipat ng mga PDLs ay extended hanggang Setyembre 30.
Ang suspension ng pag-isyu ng commitment orders para sa mga bagong arestadong indibidwal o convicted inmates ay una nang na-schedule noong August 31.
Sa naunang circular, ang mga bagong arestong indibidwal ay dapat manatili sa kustodiya ng local police units maliban na lamang kapag ang mga concerned local jails ay nakapag-admit na ng mga bagong detainees. A