Binigyang diin ni Russia’s Ambassador to the United States Anatoly Antonov na ang paglipat ng mga F-16 fighter jet sa Ukraine ay makakapagtaas ng mga tension sa mga pag-atake.
Ito ay aniya, bubuo din ng issue ng pagkakasangkot ng NATO sa nagpapatuloy na labanan ng dalwang bansa.
Kung matatandaan, inendorso ni United States President Joe Biden ang mga training program para sa mga Ukrainian pilot sa F-16 fighter jets.
Sa kabilang banda, tiniyak ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy kay Biden na hindi gagamitin ang nasabing aircraft para pumunta sa teritoryo ng Russia.
Sinabi ni Antonov na ang anumang pag-atake ng Ukrainian sa Crimea ay ituturing na pag-atake rin sa Russia.
Liban nito, pinatindi ng Ukraine ang mga pag-atake nito sa mga target na hawak ng Russia lalo na sa Crimean Peninsula.