-- Advertisements --
James Jimenez Comelec Spokesperson
COMELEC spox

Inanunsiyo ngayong araw lamang ng Commission on Elections (Comelec) na ang deadline para sa paghahain ng applications para sa transfer ng voter registration records mula overseas patungong Pilipinas ay pinalawig pa.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mula sa deadline nag August 31 ay papalawigin ito hanggang September 30.

Sinabi ni Jimenez na makikinabang daw dito ang mga repatriated overseas Filipino voters na gustong bumoto dito sa Pilipinas sa May 2022 elections.

Ang mga Filipino returnees ay puwedeng maghain ng kanilang mga aplikasyon sa pag-transfer sa Office of the Election Officer (OEO) sa area kung saan nila nais bumoto sa susunod na taon.

Sinabi ng komisyon na tatanggapin pa rin daw naman ng Comelec iba’t ibang types ng OEOs gaya ng Transfer from Post sa parehong city/municipality/district at Transfer from Post sa city/municipality/district.

Pero ang natuarng mga applications ay hindi na tatanggapin ng Office of the Overseas Voting (OFOV) sa Intramuros, Manila at local field registration centers.

Pero narito naman ang types ng application na kanilang tatanggapin, ang Registration/Certification; Recapture of Biometrics; Transfer from Post to Post, o Country to Country; Reinstatement; Change of Name Due to Marriage o Court Order/Correction of Entries.

Tatanggapin din ang application para sa Reactivation; Change of Address; Updating of Photograph at Signature at Request sa Withdraw ang Application for Registration/Certification Pending Approval.