-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Education sa Ilocos Region na magtutuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto at pag-aaral ng mga mag-aaral ngayong nararanasan sa bansa ang matinding init ng panahon.

Ayon kay DepEd I Director, Dr. Tolentino Aquino, hindi maaapektuhan ng ipinatupad na alternative delivery mode ang kabuuang ng school year 2023-2024 na nakatakdang namang matapos sa darating na Mayo 31 ng taong kasalukuyan.

Aniya, ang paglilipat ng mga eskwelahan sa alternative delivery mode ay bilang pagtugon sa inilabas na advisory ng central office noong 2022 na nagbibigay ng pahintulot sa mga paaralan na mag-shift sa online o modular learning sa kasagsagan ng matinding init o anumang uri ng kalamidad at delubyo.

Kung maaalala, dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa buong bansa dulot ng El Niño phenomenon ay nagpatupad na ng suspensyon ang ilang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng face to face classes araw-araw o minsan sa isang linggo depende sa ilalabas na heat index forecast ng state weather bureau.