Hinimok ng isang mambabatas ang liderato ng Kamara na tutukan ang panukalang paglikha sa Department of Water Resources Management (DWRM), na siyang makatutulong umano upang maiwasan ang tinatayang $124 billion na pinsala o pagkalugi ng Pilipinas sa susunod na mga taon.
Ayon kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee, base sa pag-analisa ng global professional services company GHD, sa inilabas nitong “Aquanomics: The Economics of Water Risk and Future Resilience”, nahaharap ang Pilipinas sa pagkawala ng nasabing kabuuang halaga hanggang sa taong 2050 dahil sa water-related risks, tulad ng paghagupit ng malalakas na bagyo, matinding pagbaha at mahabang panahon ng tagtuyot.
Ayon kay Rep. Lee sa ngayon mayroong 32 govt agencies ang namamahala sa water resources ng bansa, subalit sa kabila nito, ayon sa nakaraang water governance ranking ng Asian Development Bank (ADB) ay mababa pa rin ang ranggo ng Pilipinas.
Upang matugunan ito, isa ang Agri party-list lawmaker na naghahain ng panukalang batas para sa pagbuo ng DWRM, na kabilang sa 19 priority measures na tinukoy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais ng administrasyon nito na agarang maaprubahan ng Senado at Lower House.
Base sa House Bill No. 2880 na iniakda ni Lee, ang itatatag na DWRM ang siyang magiging responsable sa pag-develop at pagpapatupad ng comprehensive water usage and conservation program ng bansa.
“Among the tasks the DWRM will be mandated to fulfill are: 1. Implement necessary policy and resource reforms with respect to the management of all water resources including irrigation, sewage, and sanitation; 2. Monitor and evaluate compliance with the national goals relating to water, irrigation, sewage, and sanitation; 3. Formulate a national updated road map to address the water, sewage, and sanitation requirements of the State; and 4. Improve conservation of water and increase system efficiencies.” Ang nakasaad pa sa naturang panukalang batas.
Pagbibigay-diin ng mambabatas, hindi maaaring ipagpaliban pa ang pagtataguyod ng naturang departamentong para na rin maitama ang watak-watak at hindi epektibong pamamahala sa water resources ng bansa at sa lalong madaling panahon ay kailangang maresolba na ito.
“The bill also seeks to promote the use of rainwater harvesting facilities throughout the country to augment its water supply needs.” dagdag pa ni Rep. Lee.