-- Advertisements --
Posible sa kalagitnaan pa ng Pebrero matatapos ang paglalagay ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga motorcycle lane markings sa kahabaang ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na nais nilang matapos ang paglalagay ng mga markings at road signages bago ang tuluyang implementasyon ng motorcycle lanes.
Nais nilang makumpleto ang lahat ng paglalagay ng mga markings at signages para walang maidadahilan ang mga riders na mahuhuli.
Malaking paniniwala nito na ang paglalagay ng motorcyle lanes ay mababawasan ang mga insidente ng aksidente sa Metro Manila.










