-- Advertisements --
cropped BJMP New Bilibid Prison 21

Target ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na maglagay ng mga library sa mga bilangguan bilang bahagi ng kanilang rehabilitation program para sa mga persons deprived of liberty (PDL).

Ito ay bahagi ng kanilang inilusan na “Read Your Way Out: Advancing Prinson Reform through Libraries for Lifelong Learning in Places of Detentation” program na layuning magbigay ng oportunidad para sa personal development, well-being, at rehabilitation ng mga bilanggo.

Bukod dito ay layon din nito na isama ang reading activities bilang isa sa mga options ng mga PDL para maka-earn ng kanilang Time Allowance for Study, Teaching, and Mentoring (TASTM) na nagpapababa sa oras ng sintensya at nagfa-facilitate sa decongestion sa mga bilangguan sa pamamagitan ng mas maagang pagpapalaya sa mga ito, kabilang na ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng edukasyon at vocational skills.

Kaugnay nito ay isang technical working group na ang binuo na kinabibilangan ng mga opisyal mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), at maging ang ilang representatives mula sa National Library of the Philippines na magbibigay naman ng mga technical expertise pagdating sa library management.

Ayon pa sa BJMP ay mayroon na silang 13 bilangguan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na mabibigyan ng mga libro at iba pang necessary basic equipments para sa pagbuo ng naturang mga library.

Sinabi rin nito na ang mga jail libraries, na nakatakdang itayo ngayong buwan, ay bubuuin ng 20% ​​legal resources, 30% vocational resources, 40% fiction at nonfiction, at 10% children’s books para sa mga bisita ng pamilya.