-- Advertisements --
philippine economy

Pinanatili ng Asian Development Bank (ADB) ang kanilang growth forecast sa Pilipinas ngayong taon lalo ang gross domestic product (GDP) sa 6.5%

Tinukoy ng ADB ang umano’y malakas na rebound sa domestic demand kung saan patuloy na nagbubukas na ang ekonomiya sa kabila ng pagtaas din ng inflation rate.

Sa Asian Development Outlook (ADO) 2022 Update report ang kanilang forecast ay mababa naman doon sa target ng gobyerno ng Pilipinas na maaring umabot ng hanggang 7.5%.

Naniniwala naman si ADB Philippines Country Director Kelly Bird, na magpapautloy ang pagrekober ng pilipinas sa larangan ng turimo at pagpasok ng mga private investments, at pagpapalakas sa public spending sa malalaking infrastructure projects at remittances mula sa overseas Filipinos ay makakatulong ng husto sa economic recovery ngayong taon.

Aniya, ang target na 6.5% na pag-angat sa ekonomiya ay inaasahang magiging fastest-growing economy ang bansa sa buong Southeast Asia ngayong taon, kasama na ang Vietnam.