-- Advertisements --
image 596

Bahagyang matatagalan pa bago matapos ang Code of Conduct sa pinagtatalunang karagatan ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu.

Ito ang naging tugon ng opisyal nang matanong kung may aasahang mahalagang progreso sa code of conduct kasabay ng gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia sa susunod na linggo.

Paliwanag ng DFA official na maraming mga hadlang na makakaantala sa pagkumpleto ng COC kabilang na dito ang pagkakaiba-iba ng mga bansang may claims sa disputed waters kasama na dito ang ASEAN.

Posible din aniyang hindi pa matapos agad ang dokumento makalipas ang 2 hanggang 3 sesyon.

Una rito, nilalayon ng COC na ma-upgrade ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa pinagtatalunang karagatan ng ASEAN at China sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang kasunduan para mapangasiwaan ang mga tensiyon sa katubigan kung saan may kani-kaniyang claims ang naturang mga bansa.

Nauna na ring nakumpleo ang unang pagbasa ng panukalang code of conduct ng ASEAN at China sa pagitan ng taong 2018 at 2019. Kung saan tinarget na maisagawa ang pagpaplano ng naturang kasunduan noong 2021 subalit naantala ang negosasyon dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic.

Samantala, nakatakda namang iulat ng DFA official sa gaganaping ASEAN summit sa susunod na linggo ang naging resulta ng pagpupulong ng COC joint working group sa Maynila kamakailan.