-- Advertisements --

Nakiisa si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga panawagan kay Speaker Alan Peter Cayetano na igalang ang kanilang term-sharing agreement ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Nakakasira na aniya sa Kamara bilang isang institusyon ang speakership row kaya mainam na sundin na ni Cayetano ang kanilang napagkasunduan ni Velasco sa pamamagitan nang paghain ng irrevocable resignation.

Sinabi ni Lagman na hindi na niya kayang manahimik pa sa issue na ito dahil nadadamay na ang Kamara at public interest sa ambisyon ni Cayetano na tumakbo bilang presidente sa 2022.

Pinuna ni Lagman ang aniya’y “aberrations” sa Kamara na nag-ugat sa pagtanggi ni Cayetano na sumunod sa kanilang gentleman’s agreement ni Velasco kabilang na ang aniya’y “inordinate railroading” ng panukalang pondo para sa susunod na taon na nagresulta sa maagang suspensyon ng kanilang plenary session.

Ayon sa kongresista, ipinagkait sa kanila ang kanilang karapatan na masuri ng husto ang national budget at pagdebatehan ito sa plenaryo matapos na aprubahan ito kaagad sa ikalawang pagbasa.

Pagkapit ni Cayetano sa speakership post iniuugnay ni Lagman sa amibisyong tumakbo sa 2022 presidential polls

Nagsalita na rin ang ilang independent congressmen sa gitna ng issue sa speakership post sa mababang kapulungan ng Kongreso.