NARA CITY, Japan – Ikinabahala ng mga otoridad sa Japan ang panibagong mga kaso ng patay na deer o usa dahil sa pinaniniwalaang pagkain ng mga ito ng plastic bags.
Batay sa ulat ng Nara Deer Preservation Foundation, siyam sa mga nasawing usa ang nakitaan ng plastic bags nang dumaan sa autopsy.
Pinaka-mabigat daw sa kanilang nakuha mula sa katawan ng patay na usa ang nasa 4.3-kilong plastic.
Naniniwala ang veterinarian na si Rie Maruko na natuto ang mga hayop na kainin ang plastic bags na naglalaman ng pagkaing mapang-akit sa kanilang amoy.
Kilala ang naturang park na tahanan ng nasa 1,000 deer.
Bukod kasi sa atraksyon ay may pagkakataon din ang mga bisita at turista na pakainin ang mga ito ng sugar-free deer crackers.
Ayon sa mga eksperto, damo ang pangunahing pagkain ng mga usa dahil nakaayon ito sa kanilang four-chambered digestive system.
Paliwanag ng Maruko, maaaring mamatay ang isang usa kapag sa unang chamber palang nito ay humarang na ang isang non-digestive objective gaya ng plastic.
“The deer that died were very skinny and I was able to feel their bones,” ani Maruko.
Sa ngayon plano ng Nara prefectural government na imbestigahan ang sitwasyon kasabay ng pagpapalakas sa kampanya para sa awareness ng mga bisita at turista.(Kyodo News)