Nagbigay pampalubag-loob ang Centers for Disease Control and Prevention sa nararamdamang takot ng publiko hinggil sa pagkalat ng coronavirus disease.
Sa updated guideline nito sa kanilang website, sinabi ng ahensya na hin di dapat ikabahala ng publiko ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga contaminated area dahil hindi umano ito ang primary na paraan para kumalat ang sakit.
Nakasaad din dito na ang transmission sa pagitan ng hayop at tao, o vice-versa, ay hindi rin umano paraan sa mabilis na pagkalat ng virus. Ito’y sa kabila ng mga naglalabasang reports tungkol sa cross-contamination.
Ang naturang pagbabago sa guideline ay matapos ang isinagawang preliminary study ng naturang federal agency noong Marso kung saan nabatid na kaya umanong mamalagi ng virus sa hangin ng hanggang tatlong oras.
Patuloy naman ang paalala ng CDC sa publiko na panatilihin ang social distancing ng hanggang anim na talampakan, palaging maghugas ng kamay at paglilinis o pag-disinfect upang makaiwas sa sakit.