Nadagdagan pa ng apat ang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog sa probinsiya ng Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Arvin Jun Santiago Gonzales, 34, Dominic Torres Colegio, 29 ng Barangay Dalahican sa Lucena City.

Itinakbo ang mga ito sa Quezon Medical Center ng December 24 subalit matapos ang isang araw ay pumanaw na ang mga ito.

Dalawa rin nasawi sa Pagbilao, Quezon dahil sa pag-inom ng lambanog gabi ng Disyembre 25.