-- Advertisements --

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng sunod sa pinakamalaking refining at petrochemical plants sa Shanghai, China.

Ang nasabing sunog ay nagdulot ng pagkakasawi ng isang biktima at pagkakasugat ng isa pa.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagdulot ng makapal na usok ang pagkakasunog ng Sinopec sa Jinshan, China.

Aabot rin sa mahigit 500 na bumbero ang nagresponde sa nasabing sunog na naapula matapos ang ilang oras.