espenido
Police Lt. Col. Jovie Espenido

Kumpiyansa ang MalacaƱang na walang epekto sa anti-drug war ng administrasyon ang pagkakasama ni Col. Jovie Espenido sa narco-cops list ng PNP.

Magugunitang si Espenido ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-drug war matapos manguna sa mga operasyon laban sa mga sinasabing drug lords at protectors.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, alam naman ng mga pulis ang kanilang trabaho at kilala naman nila ang kanilang mga kabarong tunay na sangkot sa iligal na drogal.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi malayong pinag-iinitan lamang si Espenido ng mga nasagasaan sa anti-drug war.

Kaya posibleng biktima ng black propaganda si Espenido bagay na hindi kinakagat ni Pangulong Duterte.

-- Advertisement --