-- Advertisements --

Nasa limang high-ranking communist-terrorists at dalawang high-ranking Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) terrorists ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kina AFP Chief Of Staff Gen. Carlito Galvez at PNP Chief Oscar Albayalde, malaking kontribusyon ang pagkakahuli sa pitong indibidwal para sa pagkalusaw ng “Red October” ouster plot.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Benigno Durana, nadakip ang limang top leaders ng New People’s Army sa isinagawang joint operations ng AFP-PNP sa Sta Cruz, Laguna, kahapon.

Naaresto ang mga sumusunod na personalidad na sina: Adelberto Silva, head ng Communist Party of the Philippines-NPA at isa sa mga pinalayang National Democratic Front (NDF) consultants noong 2016; Edicel Rodriguez Legazpi alyas JDF/Kobe/Trike; alyas Oyong, isa rin sa pinalayang NDF consultants; alyas Batu; at alyas Wena, secretary ng National Women’s Bureau.

Hindi naman pinangalanan ni Galvez ang dalawang ISIS-Inspired Maute members.

Ang AFP at PNP ay deputized agencies ng Commission on Elections at gagawin ang lahat para maging maayos at mapayapa ang 2019 midterm elections.