Nagpahayag ng pagaalala si Senador Sherwin Gatchalian sa pagkaantala ng pagpapatupad ng Metro Manila Flood Management Project.
Ang proyektong ito ay makatutulong sa idudulot na inaasahang La Niña phenomenon ngayong taon.
Nababahala ang senador malamang nasa 6.52% pa lamang ng proyekto ang natutupad laban sa tinatarget na 91% o slippage na 84.48%.
Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang P23.50 bilyong flood control project.
Nanawagan ang mambabatas sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA), na pawang mga implementing agencies, na tiyaking magkakaroon ng catch-up initiative para maisakatuparan na ang pagtatapos ng proyekto.
Ang World Bank at ang Asian Infrastructure Investment Bank ay nagbigay ng tig-$207.60 milyon sa mga concessional loan upang tustusan ang proyekto.
Naging epektibo ang loan noong Marso 2018 at nakatakdang magsara sa Nobyembre ng taong ito. Ang pinagsama-samang mga disbursement ay may kabuuang P6.92 bilyon o 29.44% ng kabuuang halaga ng proyekto.