-- Advertisements --
image 427

Hindi dapat maging rason ng pagkataranta ng mga Pilipino ang unang inilabas ng United States Department of Agricultre na projection na magiging no.1 importer ng bigas ang Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, ang pagka-alarma ng iba ay hindi nararapat.

Paliwanag ng opisyal na ang inilabas na projection ng USDA ay isa lamang assumption dahil makikita lamang ang laki ng aangkatin kapag nakarating na sa bansa ang mga inangkat na bigas.

Sa ngayon aniya, ang mga ito ay tanging projection lamang.

Mayroon din aniyang lokal na produksyon ang Pilipinas, at makakatulong ito upang mabawasan ang bulto ng aangkatin na bigas ng bansa.

Samantala, nagpaliwanag naman ang DA official sa kung bakit bumababa ang bulto ng aangkatin ng China na bigas.

Ayon kay Panganiban, maaaring tumaas ang produksyon ng nasabing bansa, kayat mas mababa ang kinailangan nilang bilhin.

Habang sa Pilipinas, sinabi ng opisyal na ang inaangkat nito ay upang mapunan lamang ang kakulangan sa lokal na produksyon ng bigas.