-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni House prosecution counsel Atty. Benjamin Tolosa ang pagkikita ng isang testigo sa abogado ng respondent bago ito humarap sa impeachment proceedings.

Kasunod ito ng pag amin ng testigo na si Gina Acosta na nakipagkita siya sa abogado ng depensa.

Ayon kay Tolosa, unang sinabi ni Acosta na “last week” siya nakipagkita sa abogado, bago ito itinama sa “last last week.”

Sinabi ni Tolosa na mahalagang malaman kung naganap ang pagkikita matapos umupo ang testigo para sa kanyang initial direct examination.

Giit niya, dapat ding pag-isipan ng mga senator judge kung bakit nakipagkita ang testigo sa abogado ng respondent gayong inanunsyo na ng prosecution na magiging witness ito.