-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado na nagtamo ng work-related injuries na maaaring mag-avail ng kompensasyon sa gitna ng tumamang kalamidad sa bansa.

Nakapasailalim ito sa Employees’ Compensation Program ng Employees’ Compensation Commission (ECC), na idinisenyo para protektahan ang kapakanan at financial security ng mga manggagawa.

Ayon kay ECC Executive Director Kaima Velasquez, ang saklaw ng kompensasyon ay hindi lamang limitado sa panahon na nasa lugar ng trabaho.

Ang naturang tulong pinansyal aniya ay nagsisilbing kapalit ng sahod para sa mga empleyado na pansamantalang hindi makapasok sa trabaho dahil sa job-related accidents o nagkasakit, hanggang sa gumaling at makabalik sa normal na trabaho.

Maaari ring humiling ang mga pribadong empleyado ng ganitong benepisyo sa pamamagitan ng pag-file ng claims sa Social Security System (SSS) habang ang government workers naman ay maaaring mag-file ng claims sa Government Service Insurance System (GSIS).