Inaasahan daw ngayon ng Social Security System (SSS) at Cooperative Development Authority (CDA) na lalo pang gaganda ang social security coverage sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng pakikipagpartner ng SSS sa CDA para siguruhin na ang lahat ng mga kooperatiba at mga miyembro nito na makatatanggap sila ng social security protection.
Una rito, pumirma ang SSS ng isang memorandum of understanding (MOU) sa CDA para ma-formalize ang partnership.
Nataon naman ang MOU signing sa pagdiriwang sa National Cooperative Month na idinekara sa ilalim ng Republic Act 11502 na nagpo-promote sa pagsasagawa ng mga aktibidad at mga programa na nag-a-uplift sa principles at values ng mga cooperatives at ang paghikayat sa mga cooperative movement.
Ang SSS, sa pamamagitan na rin ng MOU ay magsasagawa ng orientation at awareness campaigns kaugnay ng SSS membership at cooperative accreditation sa ilang discussions na ioorganisa ng CDA.
Maliban sa membership program information, magpo-provide din ang SSS ng assistance sa registration ng cooperatives’ members at remittance ng kanilang their contributions; access sa SSS list of benefits at privileges sa pamamagitan ng various e-services; ang avenue to create, develop, improve at implement programs and policies para sa kanilang mga kapakanan.
Aalalay din ang CDA sa SSS sa formulation ng mga polisiya para mapaganda ang access sa social security protection for cooperatives at ng kanilang mga miyembro.