-- Advertisements --

Nakatakdang umukit kasaysayan sa Olympics si Greek basketball star Giannis Antetokounmpo.

Siya lamang kasi ang kauna-unahang black athlete na magdadala ng watawat ng Greece sa Olympics.

Makakasama ng two-time NBA Most Valuable Player si race walker Antigoni Ntrismpioti na magdadala ng bandila ng Greece sa opening ng Olympics sa darating na Hulyo 26.

Huling nag-qualify ang Greek men’s basketball team sa Olympics noong 2008.

Taong 2013 ng unang ma-draft ng Milwaukee Bucks ang 29-anyos na manlalaro.