-- Advertisements --

Ginagamit lamang ng mga nag-aakusa kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Carreon Quiboloy ang pagiging malapit nito kay Pangulong Rodrigo Duterte para siraan ang naturang pastor.

Sinabi ito ni Atty. Ferdinand Topacio matapos na pangalanan ng US Federal Bureau of Investigation si Quiboloy nilang isa sa kanilang “most wanted” sa ngayon.

Nakakapanghinala aniya ang timing nang paglalabas ng FBI nsa “most wanted” poster laban kay Quiboloy noong Biyernes kahit pa noon pang Nobyembre 10, 2021 natapos ang federal grand jury indictment.

Kadalasan kasi aniya kapag may warrant nang nailabas kaagad na ring magkakaroon ng wanted poster kaya bait aniya hinintay pa hanggang ngayon kung kailan magsisimula naman ang kampanyahan para sa national elections nang inilabas ang naturang poster.

Nabatid sa kalendaryo ng Comelec na Pebrero 8 nakatakdang magsimula ang campaign period para sa mga kandidato sa pagka-pangulo, bise presidente, senador at party-list.

Nabatid na Biyernes nang inilabas ng FBI ang “Most Wanted” posters laban kay Quiboloy at dalawang iba pang miyembro ng kanilang simbahan na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Si Quiboloy, na malapit na kaibigan at adviser ni Pangulong Rodriog Duterte, ay wanted dahil sa umano’y papel nito sa labor trafficking scheme.