-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpaliwanag na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) hinggil sa pagkulay pula umano ng tubig-dagat sa Carles, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Remia Aparri, director ng BFAR Region 6, sinabi nito na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil bahagi lamang ito ng “natural phenomena” kung saan namumukadkad ang plankton na tinatawag na Peridinium quinquecorne.

Sa tuwing magkakaroon ng plankton, nag-iiba aniya ang kulay ng tubig dahil sa dami ng mga plankters.

Karaniwang makikitang kulay ng tubig na may plankton ang kulay berde, pula, brown at dilaw.

Nilinaw naman ni Aparri na kusa lang na mawawala ang plankton ngunit nararapat munang iwasan ang pangingisda at paliligo sa apektadong bahagi ng dagat.