-- Advertisements --
image 414

Positibo ang pamahalaan na aabot sa isang trilyong pisong investment proposals ngayong 2023 ng Administrasyon.
Base sa datos ng Board of Investment, nasa 414.3 billion pesos na as of February 9 ang total investment projects ang naaprubahan na 142.9 percent na mataas kumpara sa 170. 5 billion pesos nuong isang taon para sa kaparehong peryodo.
Ayon naman sa DTI, may potential investment na nagkakahalaga ng 344 billion pesos ang naghihintay na mai-proseso at base sa projection ng ahensiya ay baka umabot na sa 80 to 90% ang target na investment bago pa man sumapit ang kalagitnaan ng taon.
Kaugnay nitoy sinabi ng DTI na ang ang pagsipa ng investment ay patunay lang na nagbubunga ang mga naging biyahe sa abroad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dito ay nagpahayag ng interes ang mga pinuntahang bansa para maglagak ng Negosyo sa Pilipinas.
Mas maganda rin umano ang foreign investment approvals ngayon na dito ay nakitang umangat ng 163 billion pesos mula sa 249 million pesos sa kaparehong timeline nuong 2022.
Ang agresibong investment promotion ng Punong Ehekutibo ayon sa Palasyo ay sinabayan pa ng malakas na economic performance ng bans ana kung saan ay naitala ang 7. 6 % GDP growth.