-- Advertisements --
Naisapinal ang divorce case ng Limp Bizkit front Fred Durst at asawang si Kseniya.
Sa pinirmahang settlement ng judge, inatasan nito ang singer na magbayad ng $7,400 kada buwan bilang spousal support.
Bukod pa dito ay makukuha din ng babae ang 2018 BMW X1 na kotse ng singer na kaniyang hinuhulugan hanggang 2021.
Babayaran ni Durst ang $26,000 bilang one-time lump.
Sakaling muling ikasal si Kseniya ay matitigil na pagbabayad ni Durst.
Ilan lamang na natira kay Durst ang kaniyang 2014 Harley-Davidson at lahat ng mga music rights ganun din ang rights sa ilang negosyo nito kabilang ang ilang tattoo companies.
Magugunitan noong Setyembre 2018 ay inihain ni Durst ang divorce matapos ang anim na taong pagsasama.