Gagawa ng kasaysayan ng boxing ang paghaharap ng dalawang babaeng boksingero na sina undisputed lightweight champion Katie Taylor at seven-weight champion Amanda Serrano.
Itinturing kasi na ito ang unang pagkakataon sa 140-taon kasaysayan ng Madison Square Garden na maghaharap ang dalawang babaeng boksingero na gaganapin sa Abril 30.
Si Taylor kasi na ranked number 1 sa pound-for-pound habang pangalawa naman si Serrano.
Ito rin ang unang laban sa pagitan ng number 1 at number 2 pound-for-pound mula noong 2008 ng talunin ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez noong 2008.
Ang 2012 Olympic gold medalist at Irish boxer na si na si Taylor ay mayroong 20 panalo, walang talo na mayroong anim na knockouts ay itataya ang lightweight titles ng WBA, IBF, WBO, WBC at the Ring.
Habang ang 33-anyos na Puerto Rican na si Serrano ay mayroong 42 panalo, isang talo at isang draw na mayroong 30 KO.
Noong nakaraang taon ay naidepensa ni Serrano ang kaniyang WBO at WBC feahterweight titles.










