-- Advertisements --
Class room 2
DepEd photo/ FB image

Bagamat aminado ang Department of Education (DepEd) na hindi pa siyento por siyento ang kanilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ay mayroon na raw silang plantsadong plan “B” kung sakaling mayroong mararanasang mga aberya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, sinabi nitong naiintidihan nila ang pagdududa ng ilan sa kahandaan ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Dagdag ni San Antonio, hindi naman daw talaga mape-perfect ng DepEd ang pagbubukas ng klaseng ilang beses nang naantala pero tiwala itong sa susunod na linggo ay matutuloy na ang pagbubukas ng klase.

Mayroon naman daw silang mga contigencies sakaling hindi makarating pa sa ilang lugar ang mga gagamiting modules ng mga mag-aaral.

Sinabi rin niyang walang naging aberya sa mga isinagawa nilang final dry run ng kanilang broadcast media learning modality maging ang iba pang uri ng pagtuturo ngayon nakararanas ang bansa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.