-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga otoridad sa South Africa dahil sa naganap na malawakang pagbaha.

Halos 400 katao na ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha sa Kwazulu-Natal Province.

Dahil sa insidente ay naputol ang suplay ng kuryente at tubig sa lugar.

Sinabi ni Finance Minister Enoch Godongwana na mayroong nakahandang nasa $68.3 milyon na pondo para sa emergency relief program.

Aabot sa mahigit 13,000 na mga indibiwal ang nawalan na rin ng tirahan dahil sa nasabing malawakang baha.