Suportado ng Land Transportation Office ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga may-ari at driver ng unregistered vehicle na nahuli sa lungsod ng Parañaque.
Ayon sa ahensya, nag ganitong hakbabg ay ikinatutuwa ng kanilang ahensya.
Nag-ugat ang kaso matapos mahuli sa operasyon ng LTO ang isang van na nagsasakay ng pasahero sa Roxas Boulevard noong nakalipas na taon.
Batay sa inilabas na resolution, lumalabas na may sapat na batayan para makasuhan ang may-ari ng Van at ang kanyang driver dahil sa paggamit nito bilang pampasahero.
Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II,na maaring maharap sa Commonwealth Act 146 na inamyendahan ng R. A. 11659 o Public Service Act
Kinilala ang mga may-ari na si Roberto Salvador habang ang driver nito ay si Rocky Cos .
Sa oras na mapatunayan sa korte na nagkasala ang dalawa, maaari silang mahatulan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong
Sila rin ay maaaring magmulta ng dalawang milyong piso.