Inihayag ng DFA na ang paggamit ng puwersa at pagbabanta o pananakot sa West Ph Sea ay sumisira sa rehimen ng pagtutulungan at shared stewardship.
Inilarawan ni DFA Sec. Enrique Manalo ang kahalagahan ng pinagtatalunang anyong tubig para sa rehiyon ng Indo-Pacific at sa mundo.
Sinabi niya na ang kahalagahan nito ay higit pa sa mga benepisyong pang-ekonomiya, na sumasaklaw sa mga matagal nang kultural na koneksyon na pinadali ng mga makasaysayang ruta ng maritime trades.
Aniya, ang West Ph SEA, ay ang maritime heartland ng Southeast Asia, isang kritikal na shipping hub at isang bukal ng mahalagang marine biodiversity na nagpapanatili ng mga henerasyon ng mangingisda sa littoral states, at susi sa seguridad ng pagkain at enerhiya sa rehiyon.
Binigyang-diin ng pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangailangan para sa responsableng pangangasiwa at pangako sa kapayapaan at diyalogo, partikular sa kasalukuyang estratehikong tanawin kung saan nananatili ang mga tensyon at alitan sa loob ng rehiyon.
Binanggit din ng opisyal ang aktibong pakikilahok ng Pilipinas sa mga negosasyon para sa United Nations Convention on the Law of the Sea at Convention on Biological Diversity.
Una na rito, ang pinakahuling tensyon na naganap sa West Ph Sea ay ang ginawang pang-bobomba ng China Coast Guard sa PCG vessel na magdadala sana ng supply sa Ayungin Shoal.